Friday, March 27, 2009

Life's One Liners

Life’s One Liners

1) Di lahat ng iyong pinasok ay may labasan.
2) Paano ka mananalo sa lotto kung di ka naman tumataya?
3) Aminin mo man o hindi, money is the greatest stress buster.
4) Wag na wag mong hahawakan ang hindi sa iyo.
5) Di mo kawalan ang mga taong ayaw sa iyo; it’s their loss.
6) Ang taong tahimik ay mas malakas mag-ingay.
7) Ang taong di marunong mag “Thank you” ay walang aasahang “Welcome”.
8) Walang sumasalo sa taong nanlalaglag.
9) Di maliliwanagan ang taong di marunong magtanong.
10) Iba ang sadyang tanga sa taong nagtatanga-tangahan.
11) Di lahat ng bagay ay naaayos ng “I’m sorry.”
12) Mas umaangat ang bahid sa malinis na damit.
13) Di porke’t nakangiti ay masaya.
14) Don’t jump to conclusions lalo na kung wala kang buwelo.
15) Ang taong nagpapaapak…. ay marumi.
16) Nilalampaso ang mga taong basahan ang trato sa kaibigan.
17) Nakakapuwing ang maliit; nakakabulag ang malaki.
18) Ang matapobre ay mabubulag rin balang araw.
19) Ang taong walang pera mas mabilis tumanda.
20) Money can’t buy you time but it can buy you happiness.
21) Ang taong nakapagdyug… mas mahimbing ang tulog.
22) Mahirap kalabanin ang sarili.

No comments: